LEMONS
Ang kasaysayan ng Lemon na lahi.
Ayon kay Mayor Juancho Aguirre, taong 60s at 70s ng
nagdomina ang linyadang lemon sa Negos. Muna sa Lemon 84 hanggang sa maisaling
lahi ito sa Batchoy, Togo, Massa hanggang sa Hinigarang Lemon. Ang Lemon 84 ay
pagmamay ari ni Paeng Araneta ng Negros.
Batchoy at Massa, sila ay breeder na nagmula sa Lemon lines samantlaang
ang Hinigaran ay kay Freddie Yulo. SA kasamaang palad ang Negros Breeders ay hindi
pa bihasa sa siyantipikong pag aaral patungkol sa linyada ng manok kung kayat
sila ay nakakuha ng maganda at masamang score sa laban. Ito ang dahilan upang
si Duke ay bumisita sa Negros at nagturo sa mga taga Negros ng siyantipikong
pamamaraan ng pagpapalahi at pagcondisyon ng panabong na manok.
Mula sa unang panahon nilang pagpapalahi, marami sa mga Taga
Negros ang nagging matunog sa larangan ng pagpapalahi at paglaban ng kanilang
panabong na manok.
Ang Lemon 84 at Batchoy lemon lamang ang naging mataas ang
porsyentong panalo sa local na labanan samantalang ang Hinigaran ay naisalin
lahi sa ibat ibang klaseng Lemon. Hanggang sa matawag itong Lemon Guapo. Isang matalino
at mahusay sumabong na manok hanggang sa kasalukuyan.
LEMON 84
Nagmula sa batikang breeder Duke Hulsey, ang pinagmulan ng Lemon
84 ay nasa katamtamang taas. Si Rafael “Paeng” Araneta ang nagpangalan sa Lemon
84 dahil ito sa numero ng leg band na orihinal sa manok panabong na 84. Ang
manok ay my leg band na 84, ito ay peacomb, hindi katulad ng ibang lemon ni
Duke Hulsey, lahat ay straight comb. The pinoy na lahing lemon 84 ay pinadami
at pinausbong ni Paeng Araneta. Ang pinakaunang Lemon 84 ay nagwagi ng
kampyonato sa isnag perstisyosong derby taong 1972.
LEMON GUAPO
Si Mayor Aguire ay my pinapalahing Lemon ng itoy tamaan ng
Avian Flu at iilan lamang ang nakaligtas sa sakuna. Sa pagkakataong itoy naisipan
ng tumigil na sa pagmamanok si Mayor Aguirre. Sa pagkakataong ito ay ibinahagi
niya nag mga natitirang Lemon niya sa mga kaibigan niyang nag aalaga ng
panabong na manok at itoy masurpresa paglipas ng panahon ang naibigay nyang
manok ay napadami at lumabas n magandang Lemon at ditto nagmula tinawag nila
itong Lemon Guapo. Sinubukan nila ang Lemon Guapo sa unang pagkakataon at
nanalo ito ng apat na beses ng hindi man lang nasusugatan.
Dahil ditoy naging inspirasyon ni Mayor Aguirre ang mga
Lemon Guapo kaya’t nagparami siya ulit ng mga Lemon.
JOE LAURENO at BATCOHY LEMON
Si Batchoy Alunan ay namatay noong 1980. Siya ang responsible
sa pagpapalahi ng straight combed lemon, mababang station na manok na tinawag
na Batchoy Lemon. Nang mamatay si Batchoy ang katiwala niyang handler na si Joe
Laureno ang magparami sa Batchoy line.
Ang Lemon 84 ay galling sa orihinal na 84 na tandang. Ang
orihinal na 84 ay napagpasahan kay Batchoy, sa panahong iyon naislin lahi ito
sa iba pang linyadang lemon. Sa pagkamatay ni Batchoy, ipinagpatuloy na pagandahin
ang lahing lemon ni Joe at itoy nacross sa ibang lahing manok hanggang sa
nimatch niya ito sa magandang combinasyon na humakot ng madaming panalo sa
ibabaw ng ruweda. Dahil dito nakuha ni Joe at ng kanyak anak Johnny ang
prestisyosong Balbina Breeders Cup ng dalawang beses.
Ang Lemon ay hinid kataasan, malakas sumagupa katulad ng mga
Hatches. Malakas din sila sa baba at matalino maglaro. Marami ang nagsasabi na
ang Lemon ay Single Stroker lamang, isang patama lamang ay tapos na ang laban.