GREYS
Simula pa nung una, ang salitang “Texas” o ang pulang
panabong na manok ay nagmula pa sa Estados Unidos. Ang mga Greys o ang Talisayin
kung tawagin ay madalas ipinapares ito sa mga American fowl. Ayon sa mga
sinasabi ng matatanda, ang mga Talisayin na manok ay malakas sa panahong buo
ang buwan o Full Moon at ayon sa paniniwala sa panahong kalahati ang buwan
huwag itong ilaban sa maputing kulay ganun din sa kulay ng paa, wag lumaban sa
maputing paa.
Ang mga manok panabong na ito ay karaniwang pinapalahi ng
mga baguhan sa larangan ng sabong sa kadahilanang solid ang pundasyon nito at
sa pagkapuro ng dugo nito. Ang hindi magandang pormasyon ng linyada ay bihirang
Makita sa talisayin. Sa panahon ngayon, marami na ang nagbago. Ang talisayin ay
espesyal sa mga manukan dahil sa bumibilang ito ng panalo at malimit sa mga
panalong “last hit”. Sa henerasyong ito, nagdodonima na din ang mga talisayin
dahil sa itoy nahahaluan na din ng dugong Sweater at Hatch. Sa pag pares sa
ibang linyada lalong silang nagiging matibay at mautak sa laban.
Isa sa mga kilalang lahi ng talisayin ay ang Law Grey at ang
Harold Brown Grey. Kilala ang mga linyadang ito sa masakit kung tumama, malakas
pumalo at solid ang patama, mabilis din sila sa laban.
Narito ang maikling akda para sa pundasyon ng Linyadang
Talisayen.
LAW GREYS
Taong 1935 – 1936, Ang Law Greys ay ipinangalan mismo sa
owner na si Law.Ang Law Greys ay lumalabas bilang dilaw ang mga paa at puti
kung minsan. Lahat ng lahi ay lumabas na straight combed. Ang Law Greys ay
parehong parehong linyada sa pulang kulay na Madigin Clarets.
Ang Law Greys ay isinaling lahi sa O’Connel Albany at sa
Madigan Grey na tandang. Ang mga dilaw ang paa ay madalas ng lumabas ng putting
paa. Sa kalaunay isinaling lahi naman ito sa McNerney Greys upang itong
maibalik sa dilaw na paa.
Naging matagumpay ang pag pagpares ng Law Grey sa Madigan Texas
at itoy lumalabas na itim ang mga paa. Nasubukan din itong maipalahi sa Boston
Roundhead sa parehong pares.
HAROLD BROWN
Si Harold Brown ang nagpasimula sa Red Fox Farm at John
Fowler. Sila ay magpartner at nagdevelop sa Red Fox Farm. Ang lahi ay magbalik
tanaw noong 1937. Tinawag itong perpektong manok panabong ayon kay J.D. Perry.
Ang iba ay lumalabas bilang asul ang paa. Ang Harold Brown Greys ay kilala din
bilang Silver Back. Madalas din toing tawaging Silver Grey.
Magaling sila bilang purong lahing manok na pwedeng tumagal
ng ilang taon sa inbreeding o ang gamitin itong bilang pundasyon sa ating mga
manukan.
REGULAR GREYS
Sinasabing ang Regualr Greys ay combinasyon ng tatlong
pamilya ng grey. Ito ay ang mga sumusunod: Law Grey, Sweater Grey at ang
Plainhead Muff Grey. Ang mga ito ay napatunayan na ang pundasyong ito ay metatag
sa laban, napaganda pa ito ni Freddie Wimberly. Ang Talisayin ay isang magaling
na lahing manok panabong at mainam itong ipares sa Hatch o ang Albany.
Ang mga Regular Greys ay kilala bilang malalakas at magaling
lumarong manok. Napakatalino din nitong lahing ito.
No comments:
Post a Comment